NEWS UPDATES

Cong. Tejada, pabor sa pag-amyenda ng BBL

(Kabacan, North Cotabato/ March 5, 2015) ---Pabor si North Cotabato 3rd District Congressman Ping-ping Tejada na amyemdahan ang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ito ang sinabi ng opisyal sa eksklusibong panayam sa kanya ng DXVL News.

Aniya, bilang isang institusyon, ang kongreso ay inaasahang magpapasa ng batas na tumatalima sa Konstitusyon.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na magpalabas kahapon ang Malakanyang ng pahayag na hindi nito kokontrolin ang desisyon ng Mambabatas na amyendahan ang ilang mga probisyon ng BBL.

Partikular na dito ang pagkakaroon ng sariling police force at constitutional body na ayon sa mambabatas ay labag sa konstitusyon.

Sinabi ng mambabatas na bago pa man nangyari ang ‘Mamasapano Clash’ ay patuloy na ang deliberasyon sa kongreso ng nasabing panukalangbatas.


May mga mga ginagawang pag-amyenda at pagbabago sa hearing ng BBL at tinitiyak ng mga ito na sumusunod sa konstitusyon ang lahat ng nakakapaloob sa Bangsamoro Basic Law. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento