NEWS UPDATES

“Walk for a fire-free and fire-safe nation” ng Kabacan Cental Fire Station, gagawin sa pagbubukas ng Fire Prevention Month sa buwan ng Marso

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2015) ---Sa layuning mabigyan ng sapat na kaalaman hinggil sa kaligtasan sa sunog ay isasagawa ang isang walk for Walk for a fire-free and fire-safe nation na may temang “Kaligtasan sa Sunog, Alamin, Gawin at isabuhay natin” sa darating na Marso a-1 sa susunod na buwan.

Magsisimula ang nasabing aktibidad alas 4:00 ng madaling araw.


Ang nasabing aktibidad ay pinangungunahan ng Kabacan Central Fire Station sa pakikipagtulungan ng LGU ng Kabacan.

Ito’y alinsunod sa Presedential Proclamation No. 115-A 1971 na nagdedeklara sa buwan ng Marso bilang Fire Prevention Month.


Inaasahang dadaluhan ng ibat-ibang grupo mula ibat-ibang sektor ang nasabing aktibidad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento