NEWS UPDATES

Mga armas na narekober ng MILF kasalukuyang bineberipika pa

By: Christine Limos

(North Cotabato/ February 25, 2015) ---Kasalukuyan pang beniberipika ang mga armas na narekober sa mga Moro Islamic Liberation Front. Ito ang inihayag ni MILF Spokesperson Jabib Guiabar sa panayam ng DXVL news. 

Aniya beniberipika pa ng ibat ibang mga kumander ng MILF na na-assign sa sa ibat ibang area sa bayan ng Pikit at Pagalungan ito upang magkakaroon pa umano ng pagpupulong sa Eastern command.


Hanggang sa ngayon ay wala pa silang aktwal na record kung ilan at anong klase ng armas ang narekober.


Inihayag din ni Guiabar na halos 50 hanggang 60 percent na ang mga residente na nakabalik sa kani kanilang mga bahay.

Samantala, matagal na daw umanong may nangyayaring pag uusap at hindi pa rin makita ang magandang resulta at ang labanan umanong nangyayari sa Pikit at sa ibat ibang bahagi ng Maguindanao ay tungkol sa pulisiya ng MILF na pagproprotekta sa kanilang mga area.


Dagdag pa niya na sa ngayon ay di niya masabi na may ugnayan ang MILF at BIFF.


Nanawagan din si Guiabar sa kahit anong grupo na habang nagpapatuloy ang peace process ay obserbahan at kung sakaling magbunga ng maganda para sa kapakanan ng karamihan ang usaping pangkapayapaan ay suportahan ng lahat hindi lamang sa Bangsamoro kundi pati sa mga Kristiyano at hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong Pilipinas. With Rhoderick BeƱez DXVL News

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento