NEWS UPDATES

Reklamo re: maraming bayarin sa KNHS, ipinauubaya ni Supt. Obas sa PTA

(Kabacan, Cotabatao/ February 24, 2015) --- Ipinauubaya ni Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas sa Parents Teachers Association ang reklamo hinggil sa maraming bayarin sa Kabacan National High School.

Ito ang reaksyon ni Obas sa reklamo sa Kabacan National High School na marami umanong sinisingil maliban sa weekly dues at iba pang bayarin, matapos na mainterbyu ng DXVL News.

Aniya, nakapag usap na sila ng punong guro ng KNHS at ang bayarin umano ay napagkasunduan naman ng homeroom Parents Teachers Association.

Bilang partner umano ng PTA ay pinapaubaya nila sa paaralan at sa PTA ang napagkasunduan at sila na mismo ang umayos ng mga problema sa kanilang level kung mayroon mang mga reklamo.


Ang Department of Education umano ay di sapilitang naniningil kundi sa pamamagitan lamang ng mga Parents Teachers Association. Christine Limos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento