
Naaktuhan mismo ng DXVL News ang isang
bahay na naabu na matapos na sunugin ng mga armadong grupo.
Ang nasunog na bahay ay malapit lamang sa
Kabasalan Elementary School.
Ilang araw na ring walang pasok sa nasabing
paaralan dahil sa nasabing kaguluhan.

Samantala, dalawa naman sa mga bangkay ng
BIFF ang inilibing kahapon na tinungo ng ilang military, CCCH, Media at iba pa.

Sumiklab ang nasabing kaguluhan matapos na
gustong sakupin ni Kagia Karialan ang teritoryo ng MILF.
Nakiusap pa umano ang MILF na magdiyalogo
muna sila, pero ayaw ng BIFF ng pag-uusap sa halip ang gusto nila ay
makipagbakbakan.
Kaya inalerto ni Kumander Jack Abas ang
kanyang tauhan para labanan ang BIFF kaya nagresulta sa putukan sa magkabilang
panig at pagkakalikas ng libu-lubong residente sa lugar.
Kaugnay nito, matapos ang clearing operation
sa lugar kahapon, maaari ng makabalik ang mga bakwit sa kanilang lugar,
pagtitiyak naman ng mga sundalo. Rhoderick
BeƱez
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento