NEWS UPDATES

Transmission line ng NGCP, pinasabugan!

(North Cotabato/ January 14, 2015) ---Pinasabugan ng mga di pa nakilalang mga salarin ang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Pagalungan, Maguindanao alas 8:45 kagabi.

Sa report, ang nasabing pinabagsak na tore ay ang tower 26 ng NGCP sa Brgy. Galakit na nagdulot naman ng malawaking brownout sa central Mindanao.

Wala pang grupo o indibidwal na umako sa pagpapasabog subalit napag-alaman na maraming grupo ng mga rebelde ang kumikilos sa nasabing lugar.


Pinaniniwalaan na gawa sa Improvised Explosive Device IED ang ginamit sa naturang pag-atake na pumutol sa daloy ng koryente sa maraming bayan sa North Cotabato at Maguindanao kabilang ang Cotabato City.

Naapektuhan sa pagsabog ang 138KV Transmission Line ng NGCP na tumatahak sa nasabing lugar.

Naibalik ang serbisyo ng kuryente dakong 11:45 ng gabi.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na posibleng pangingikil ang motibo ng nasabing pagpapasabog na ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento