NEWS UPDATES

Granada sumabog sa isang residential house sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ January 14, 2015) ---Sugatan ang isang 43-anyos na babae makaraang masabugan ng granada ang kanilang residential house sa Purok 7, Poblacion, Carmen, North Cotabato alas 7:15 kagabi.

Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga sa Carmen PNP kinilala ang biktima na si Melanie Marcelino, 43-anyos residente ng nasabing lugar.

Hindi pa mabatid ng Carmen PNP kung inihagis ang granada sa bahay ng Marcelino kungsaan nag-iis lamang sa kanilang bahay ang biktima ng mangyari ang insidente.


Bukod dito, nitongnakaraang gabi ay isang granada din ang sumabog  sa hangganan ng Brgy. Kitulaan at Aroman Lunes ng gabi.

Sugatan sa nasabing pagsabog ang may ari ng bahay na si Apolinario Tubalado.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Carmen PNP sa motibo ng insidente. Rhoderick BeƱez  



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento