NEWS UPDATES

Training Camp ng BIFF nakubkob ng militar

(North Cotabato/ January 6, 2015) --Nakubkob ng militar ang sinasabing training camp ng BIFF matapos ang isinagawang mortar shelling at ground assault ng militar sa bahagi ng Sitio Pedtad, Gen. Salipada K. Pendatun sa lalawigan ng Maguindanao kahapon.

Ayon kay 33rd IB Commander Col. Markton Abo na mabilis na nagsipulasan ang mga rebeldeng grupo at inabandona ang kanilang kampo.

Matatandaan na naglunsad ng pag-atake ang militar na nagsimula kahapon ng umaga gamit ang kanilang mga 105 howitzers.

Sinabi ni Col. Abo na ang nakubkob na kampo ay dating okupado ng mga elemento ng 2nd Division ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters BIFF, na nagsisilbing launching pad ng kanilang mga tropa sa pagsasagawa ng pag-atake sa mga posisyon ng militar sa mga bayan ng SK Pendatun at President Quirino sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Matatandaan isang sundalo ang nasawi samantalang tatlong iba pa ang sugatan makaraang magsagawa ng pag-atake ang BIFF sa Katico Detachment ng 33rd IB sa bayan ng Pres. Quirino noong Biyernes ng gabi.

Hindi naman masabi ni Col. Abo kung may mga nasawi sa panig ng BIFF sa isinagawang shelling ng militar. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento