NEWS UPDATES

Brgy. Chairman ng Carmen, North Cotabato itinumba ng tandem

(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Patay ang punong barangay makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga riding in tandem assassins sa National Highway ng Brgy. Ugalingan, Carmen, North Cotabato dakong alas 12:00 ng tangahali kahapon.

Kinilala ni PSI Basilio Parcon, ang OIC Chief of Police ng Carmen PNP sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan ang biktima na si Brgy. Chairman Eliazar Pilapil na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib nito.


Batay sa ulat, galing ng bayan ng Carmen ang biktima papauwi ng brgy. Ugalingan lulan ng kanyang motorsiklo ng buntutan ng riding in tandem at pagdating sa bahagi ng Ugalingan ay pinagbabaril ang biktima.

Naisugod pa sa bahay pagamutan ang biktima pero binawian din ng buhay habang ginagamot sa ospital.


Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pamamaril at inaalam ang motibo ng insidente. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento