NEWS UPDATES

Police Integrated Patrol System mas pinaigting ng Task Force Pikit

(Pikit, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Mas pinaigting pa ngayon ng Task Force Pikit ang serbisyo sa mamamayan ng Pikit sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Police Integrated Patrol System at ng Police Community Relation activities.

Ito ang sinabi ni Task Force Pikit Commander Supt. Jordine Maribojo sa DXVL News kungsaan katuwang nila sa pagpapatupad ng direktiba ang komunidad, LGU ng Pikit at ang Armed Forces of the Philippines partikular ang 7th Infantry Battalion.


Nagkaroon din ng konsultasyon mula sa mga baranggay officials at mga stake holders upang malaman kung ano ang hakbang na gagawin ng PNP at AFP maging ang tulong na maaaring ibigay ng lokal na pamahalaan ng Pikit.


Binigyang diin din ni Maribojo na nagpa- patrol lagi at nasa area ang PNP at AFP sa tulong ng BPAT upang maproteksyunan ang mamamayan hinggil sa banta ng pambobomba at terorismo. Rhoderick BeƱez and Christine Limos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento