NEWS UPDATES

Libreng Edukasyon at tulong sa mga magsasaka, patuloy na isusulong ng Alkalde ng Makilala sa taong 2015

(Makilala, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Malaki ang accomplishment ng lokal na pamahalaan ng Makilala sa taong 2014 partikular na sa agrikultura sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magsasaka sa libreng pagpapa tanim ng goma.

Ito ang inihayag ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan sa ginawang panayam ng DXVL News.

Aniya isa sa malaking nagawa ng LGU sa larangan ng edukasyon ay ang paglalagay ng tertiary education sa bayan ang Makilala Institute of Science and Technology.

Libre din ang tuition sa naturang paaralan para sa mga taga Makilala lamang, ayon pa kay Mayor Caoagdan.


Inihayag din ng punong ehekutibo ang saloobin nito hinggil sa pagbaba ng presyo ng goma.


Pursigido din ang LGU Makilala sa pagpapa tuloy na maiangat ang estadong pang ekonomiya at agrikultura upang hikayatin na magbalik loob sa gobyerno ang mga naliligaw ng landas.

Bibigyang halaga din ng LGU Makilala sa taong 2015 ang pagsasa ayos ng mga kalsada upang mapadali ang pagdadadala ng produkto ng mga magsasaka sa merkado.

Magkakaroon din ng proyekto para sa mga matatanda upang pagbabalik tanaw sa mga ninuno. Rhoderick BeƱez/ Christine Limos



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento