NEWS UPDATES

USM may bagong 17 mga CPA

By: Mark Anthony Pispis

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 17, 2014) ---Abot langit ang tuwa at pasasalamat ng 17 accountancy graduates na galing sa College of Business Development and Economic Management na nakapasa sa katatapos na Certified Public Accountants Board Examination ngayong buwan ng Oktobre.

Kabilang sa mga pumasa sina Analy Ayop, Clarisse Evangelista, Gracedyl Fernandez, Jonalyn Garcia, Elvin Gutoman, Reinzon James Juanitez, pati rin sina Earl Bryan Limas, Fehllyn Marie Mapulong, Cristine Makiputin, Angelyn Narisma, Charlie Ryan Pada, Regina Paguntalan, Mindy May Pascua, Allyn Jane Ranoco, Rodibee Rojo, Zandra Mae Salikula at Marjorie Benimento.


Abot naman sa 45.95% ang nakusang passing rate ng pamastasan sa nasabing exam, mas mataas sa National Passing Rate na 37%.

Patunay umano ito ng patuloy na pagunlad sa academic performance ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao sa pagkakaroon ng mga magagaling ng mga graduates.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento