NEWS UPDATES

Menor de edad, tiklo sa pagdadala ng di lisensiyadong armas sa Tulunan, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis
(Tulunan, North Cotabato/ October 17, 2014) ---Arestado ang isang 17-anyos na lalaki makaraang mahuling nagdadala ng baril sa bahagi ng Pampublikong Pamilihan ng Tulunan, Cotabato alas 9:50 kaninang umaga.
Kinilala ni Police Senior Inspector Ronie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang suspek na si Arman Duco Malit, 17 anyos, binata at residente ng Sitio Saban, Brgy. Maybula, Tulunan, Cotabato.

Ayon sa report, agad hinuli ng mga elemento ng BPAT ang suspek matapos na mamataang merong dalang armas ang binatilyo.
Hawak umano ng suspek ang isang Magnum 22 Revolver  na pistola na may Serial No. 724164 at apat na bala.
Agad namang itinurn-over ng BPAT ang suspek at ang armas sa kustodiya ng Tulunan Municipal Police Station.
 Inihahanda naman ang kasong isasampa laban kay Malit.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento