NEWS UPDATES

Suspicious Bag, nakita sa harap ng USM Presidential Cottage

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 11, 2014) ---Negatibo sa pampasabog ang suspicious bag na naiwan sa harap ng USM Presidential Cottage sa University of Southern Mindanao Main Campus, kagabi.

Ayon sa ulat, pinasabog ang nasabing bag ng mga EOD Team na pag-mamay-ari ng isang dating janitor ng CBDEM  na naiwan nito sa nasabing lugar dahilan kung bakit nabulabog ang ilang mga residente ng pagsabog nito.

Nangyari ang insidente habang kasagsagan ng selebrasyon sa kaarawan ni USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia, kagabi.

Pero hindi naman ito naka-apekto sa kabuuang peace and order ng bayan, ayon sa pulisya.


Pinasalamatan din ng mga otoridad ang alerto at pagiging mapagmatyag ng taong bayan hinggil sa mga kahina-hinalang mga bagay o tao sa paligid. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento