NEWS UPDATES

Emergency MPOC, ipinatawag ng alkalde ng Pikit re: UCCP Blast

(Pikit, Cotabato/ October 10, 2014) ---Gagawin ngayong araw ang isang emergency peace and order council meeting sa bayan ng Pikit kasama ng pulisiya at sundalo na pangungunahan ni Mayor Muhyryn Sultan-Casi upang pag-usapan at alamin ang update sa nanagyraing pagpapasabog ng UCCP Church sa nasabing bayan.

Ito ang sinabi ng opisyal sa panayam ng DXVL News ngayong umaga.

Aniya nagpaabot na rin siya ng tulong sa mga biktima ng pagpapasabog ng simbahan ng UCCP alas 7:40 ng gabi nitong Miyerkules.

Katunayan aniya, inako na ng opisyal ang bill sa ospital ng dalawang ginang na nasawi sa nasabing insidente, dagdag pa ng alkalde.

Sa ngayon ay gumagawa na ng halbang ang pamunuan ng LGU Pikit upang makamtan ang stable na peace and order sa lugar.


Aminado ang opisyal na mahirap makamtan ang peace and order at hinamon nito ang mamamayan ng Pikit na makipagtulungan. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento