NEWS UPDATES

Pagpapasabog sa isang barangay sa Magpet, patuloy na inaalam ng mga otoridad

(Magpet, Cotabato/ October 17, 2014) ---Bagama’t walang nasaktan, patuloy ngayong inaalam ng mga kapulisan at militar kung anung grupo ang nasa likod ng pagpapasabog sa sa isang lumang basketball court sa tabi ng dating Barangay hall ng Balete, Magpet, North Cotabato alas 8:00 kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Philippine Army's 57th Infantry Battalion commander Col. Nilo Vinluan, 44mm grenade projectile ang pinasabog sa nasabing lugar.

Naniniwala si Vinluan na layunin ng pagpapasabog na isabotahe ang isinasagawa nilang Peace and Development Outreach Program o PDOP ng Philippine Army sa lugar.

Nahihirapan kasi aniya ang mga armadong grupo na bumaba sa mga komunidad dahil sa ginagawa nilang PDOP. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento