NEWS UPDATES

Dahil sa illegal na aktibidad sa lugar, isang barangay sa Kidapawan City, isailalim sa census

(Kidapawan City/ October 17, 2014) ---Upang maprotektahan ang mga residente laban sa iligal na gawain planu ngayon ng mga barangay officials sa Barangay Sudapin, Kidapawan city na muling ipa-census ang mga residente ng Muslim village, sa Sitio Pinantao ng nasabing barangay.

Bukod sa nabanggit layon nito na makuha ang eksaktong bilang at makilala ang mga lehitimong residente sa lugar, ayon kay Kapitan John Carl Sibug.

Una nang iminungkahi ni Sibug sa Kidapawan city Planning Office ang nasabing plano at inaasahang masisimulan na ito anumang araw mula ngayon.

Ang hakbang na ito ay ginawa ng mga opisyal matapos na maaresto ang tatlong mga tulak droga sa isinagawang buy-bust operartion sa lugar. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento