NEWS UPDATES

Pagdiriwang ng Eid Ul Adha sa bayan ng Kabacan, naging mapayapa

(Kabacan, Cotabato/ October 6, 2014) ---Naging matiwasay at tahimik sa kabuuan ang isinagawang pagdiriwang ng Eid Ul Adha sa bayan ng Kabacan kungsaan isinagawa ang congressional prayer sa Kabacan Pilot Central Elementary School nitong Sabado.

Abot sa mahigit sa tatlong libung mga mananampalatayang Islam ang nakiisa sa sambayang o pagsamba mula sa iba’t-ibang lugar ng bayan.

Ang Eid’l Adha o Feast of Sacrice ay isang kapistahang ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo upang alalahanin ang pagpapaunlak ni Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na lalaking si Ismael bilang isang gawain ng pagsunod sa Diyos.

Nagpahayag din ng kanyang pagbati si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa mahigit tatlong libung muslim na dumalo sa nasabing pagdiriwang.

Sa Cotabato City naman, isinagawa ang CONGREGATIONAL PRAYER sa Cotabato City Central Pilot School, Cotabato Polytechnic College, Grand Mosque at ARMM Compound

Agad namang nagsagawa ng kaliwat kanang KANDULI o SELEBRASYON bilang pasasalamat sa poong LUMIKHA o kay ALLAH


Kaugnay nito ipinahayag rin ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang kanyang pagsuporta sa nasabing selebrasyon. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento