NEWS UPDATES

Nanay, kinuryente ng sariling anak sa Midsayap, Cotabato; patay

(Midsayap, Cotabato/ October 6, 2014) ---Patay ang isang nanay makaraang kuryentehin ng sariling anak nito na pinaniniwalaang may deperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Bulanan, bayan ng Midsayap, Cotabato kamakalawa.

Ayon sa report nagsasampay ang biktimang si Susan Sinoy, 49 anyos nang idikit ng kanyang anak na si Jobert Sinoy ang isang live wire sa sampayan nito at nakuryente.

Nagtamo ng matinding sunog sa katawan ang biktima na agad namang binawian ng buhay.

Malaki ang paniniwala ni Supt. Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP  na wala sa matinong pag iisip ang suspek kaya nagawa nitong kuryentehin ang kanyang nanay.

Sa ngayon, kalaboso si Jobert sa Midsayap PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento