NEWS UPDATES

Mga proyekto sa ilalim ng PAMANA- Sustainable Livelihood Program itinurn- over sa Alamada, North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ September 10, 2014) ---Pinangunahan ng Department of Social and Welfare and Development o DSWD and pamamahagi ng mga proyekto sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan Sustainable Livelihood Program o PAMANA- SLP ngayong araw sa bayan ng Alamada, North Cotabato.

Abot sa labimpitong barangay sa nabanggit na bayan ang benipisyaryo ng programa kung saan tinatayang 5.1 milyong piso ang kabuuang halaga ng mga ipinamahaging proyekto tulad ng mini warehouses, solar driers at post harvest facilities.


Nabatid na ang PAMANA- SLP ay program grant mula sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP na iniimplementa ng DSWD sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.

Sa kanyang mensahe ay sinabi ni DSWD Project Development Officer III and Coach Monitor for Region XII Vergel Cabugayan na unang bahagi pa lamang ito ng programa dahil magpapatuloy pa ang implementasyon ng proyekto mula ngayong taon hanggang sa 2015. Umaasa si Cabugayan na makatutulong sa mga benepisyaryo ang mga nasabing proyekto.

Ipinamahagi rin sa mga benepisyaryo ang certificates of project completion, project acceptance at DOLE registration sa presensya ng barangay and municipal officials, representatives mula sa unipormadong hanay at ng tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan.

Samantala, hinikayat ni Alamada PAMANA- SLP Association Federation President Perla Ylanan ang kapwa niya mga benepisyaryo na alagaan at paunlarin ang mga proyektong kanilang natanggap tungo sa pagkamit ng mapayapa at masaganang pamumuhay.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento