NEWS UPDATES

Climate Change Adaptation Forum isasagaw sa Unang Distrito ng North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ September 5, 2014) ---Nakatakdang magsagawa ng talakayan tungkol sa Climate Change Adaptation ang Philippine Information Agency o PIA Regional Office XII sa darating na September 19 ng taong kasalukyan.

Katuwang ng PIA XII sa adbokasiyang ito ang Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Gaganapin ang forum sa Kapayapaan Hall ng Opisina ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan dito sa bayan.

Inaasahan ang pagdalo ng iba’t- ibang stakeholder sa nasabing forum partikular na ang mga magsasaka at benepisyaryo ng Self- Employment Assistance for Kaunlaran o SEA- K, mga kasapi ng unipormadong hanay, kabataan, at municipal disaster and risk reduction and management officers mula sa buong Unang Distrito ng North Cotabato.


Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng iba’t- ibang stakeholder kaugnay ng mga isinusulong na adaptation and mitigation measures sa nagaganap na  pagbabago ng panahon. DXVL News

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento