NEWS UPDATES

47 Kabakenyos, naging recipient ng Livelihood Program ng DOLE 12

(Kabacan, North Cotabato/ September 5, 2014) ---Abot sa 47 ang naaprubahang recipient ng livelihood program ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Executive Assistant to the Mayor Yvonne Villanueva Saliling.

Aniya, mismong si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang personal na kumuha ng tseke sa DOLE 12 na nagkakahalaga ng mahigit sa P400,000.00.

Ang nasabing mga beneficiaries ay buhat sa barangay ng Katidtuan, Bannawag, Malanduage, Osias, Pisan, Poblacion at Upper Paatan.

Kabilang sa mga livelihood program na maibigay sa nasabing mga benepisyaryo ay ang furniture making, hot dog and chicken Barbeque, ornamental garden, Chicharon making, fish Cracking vending, halu-halo, kankanin vending, balut, biko and puto, meat barbeque, Siopao, Tucino, icecream making at nego cart at marami pang iba.


Kaugnay nito, nananawagan ang opisyal sa mga gustong maka-avail sa livelihood program ng LGU na tumungo lamang sa PESO Office upang sumangguni dahil magsasagawa sila ng orientation hinggil dito sa sususnod na linggo. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento