NEWS UPDATES

Tatlong OFW na dumanas ng hirap sa Middle East nakauwi na sa bansa

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ August 5, 2014) ---Nakauwi na dito sa Pilipinas ang tatlong Overseas Filipino Workers o OFW mula sa Middle East.

Nitong Hulyo a-10 ay masayang sinalubong ng kanang pamilya si Abegail Raval, 28 anyos at resident ng Barangay Kimagango, Midsayap, North Cotabato.

Umuwi sa Pilipinas si Abagail dahil sa delikadong sitwasyon sanhi ng nagaganap na kaguluhan sa Syria at karatig-bansa sa Gitnang Silangan.


Ayon pa kay Abagail, tinulungan sya ng Phillipine Embassy at iba pang ahensya ng gobyerno kasama ang grupong “Patnubay” at “Kaagapay” para makauwi ng ligtas.

Samantala, nitong nakaraang buwan din ay dumating na sa bansa ang magkapatid na OFW na sina Rachiel Otic at Cherrie Otic, kapwa residente ng Barangay Paruayan, Alamada, North Cotabato.

Galing sa bansang Kuwait ang magkapatid na Otic. Ayon sa kanilang pahayag, minaltrato umano sila doon ng kanilang mga amo.

Nagpapasalamat ang magkapatid na Otic sa mabilis na aksyon ng gobyerno at iba pang pribadong grupo upang maisalba sila sa pang-aabuso ng kanilang employer.

Kaugnay nito ay magbibigay naman ng tulong ang Department of Social Work and Development o DSWD Region XII sa mga nasabing OFW.

Sinabi ni First Congressional District Focal Person for Special Operation Benny Queman na nagpapatuloy din ang ugnayan ng opisina ni Rep. Jesus Sacdalan sa Departmant of Labor and Employment o DOLE, Overseas Workers Welfare Administration o OWWA at DSWD XII upang mabigyan ng panimulang tulong-pangkabuhayan ang mga tatlong OFW.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento