NEWS UPDATES

Pinakamahuhusay na dart players tampok sa katatapos na 4th Gov Lala J. Taliño-Mendoza National Open Dart Cup

By: Jimmy Sta. Cruz

(Amas, Kidapawan City/ August 4, 2014) ---Abot sa 10 mga nangungunang dart club members sa bansa ang tampok ngayon sa 4th Gov Lala J. Taliño-Mendoza P200,000 National Open Dart Cup na nagsimula noong Aug.1-at nagtapos kahapon sa Colegio de Kidapawan o CDK.

Ayon kay Jevie Curato ng Provincial Treasurer’s Office o PTO at Focal Person ng palaro, ang mga partisipante sa Mindanao ay nagmula sa mga lungsod ng General Santos, Pagadian, davao, Koronadal, Digos, Cotabato, Tacurong, Tagum, Cagayan de Oro, Bayugan, Ipil-Zamboanga del Sur, Sindangan-Zambonga del Norte at Banga- South Cotabato.

Mula naman sa Luzon, ang mga partisipante ay nanggaling sa Marikina at Makati.

Humigit-kumulang sa 300 ang bilang ng mga dart players na dumagsa sa CDK karamihan sa mga ito ay mga kampeon at mga pambato nag kanilang mga koponan.

Inaasahan naman ang mahigpitang laban ng mga top dart players upang mapanalunan ang premyo na aabot sa kabuuang P200,000.

Bisita sa opening ceremony ng kompetisyon si Kidapawan City Vice Mayor Rodolfo Y. Gantuangco at si National Dart Federation of the Philippines (NDFP) na si Roberto T. Soncuya.

Sina VM Gantuangco at Soncuya ang nanguna sa Oath of Sportsmanship at Ceremonial Throw.

Ibinigay naman ng Tournament Committee ang mga guidelines o alituntunin ng laro upang maging malinaw sa lahat ang takbo ng kompetisyon.

Sa loob ng 3 araw, maglalaban ang mga players sa pamamagitan ng match formal single knock out at best of 5 and finals best of 7.

Ang 4th Gov Lala. J. Taliño-Mendoza ay bahagi ng pagdiriwang ng Kalivungan Festival ngayong taon at ng ika-100 taon ng lalawigan ng Cotabato. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento