NEWS UPDATES

Preso, patay sa loob ng bilangguan

(North Cotabato/ August 8, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 23-anyos na inmate makaraang atakihen sa puso sa loob ng lock up cell ng Maguindanao Provicial Jail, sa lalawigan ng Maguindanao, ayon sa ulat ngayong araw.

Kinilala mismo ni Jail warden Baman Bukid ang nasawing bilanggo na si Tata Udsing 23 years old, residente ng Parang Maguindanao na may kasong paglabag sa illegal na droga.


Bukod sa sakit sa puso may mga Pellets pa ng 12 gauge shotgun ang naiwan sa katawan ni Udsing makaraang mabaril ito bago paman nakulong dagdag pa ni warden Bukid.


Ipinahayag naman ni Baman na hindi nila pinababaya-an ang mga inmates lalong lalo na ang mga nagkakasakit.

Si Udsing ang ikaktlong Inmate na ng Provincial Jail na namatay mula noong nakaraang buwan dahil sa sakit 

Nakulong si Udsing noong Marso a-11 ngayong taon. Rhoderick BeƱez





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento