NEWS UPDATES

Pagkakaisa, sentro sa pagdiriwang ng ika- 53 anibersaryo ng bayan ng Libungan, North Cotabato

By Roderick Rivera Bautista

(Libungan, North Cotabato/ August 8, 2014) ---Kitang- kita ang pagkakaisa ng mga Libunganon sa kanilang pagdiriwang ng ika- 53 anibersaryo ng kanilang bayan.

Aktibong lumahok ang mga kinatawan ng ibat- ibang sektor sa idinaos na culmination activity ngayong araw sa municipal grounds.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Libungan Mayor Manuel Dela Serna ang mga indibidwal at grupong nakikiisa sa patuloy na pagtataguyod ng kaunlaran at kapayapaan.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Libungan, Walay Pagduha- duha, Kalambuan Kab-ot Na! Lihok Abante Nagkahiusa, Alang sa Masa”.

Samantala, pinasalamatan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan ang mga Libunganon sa kanilang patuloy na pagtutulungan upang makamit ang nararamdamang kaunlaran sa kanilang bayan.

Hinikayat din ng kongresista ang mga Libunganon na manatiling aktibo sa lahat ng programa at proyektong isinusulong ng pambansang gobyerno at ng lokal na pamahalaan.

Kaugnay ng anibersayo, iba’t- ibang aktibidad ang idinaos tulad ng Agri- Trade Fair 2014, Jobs Fair, Indigenous People and Muslim Day, bloodletting, at maramin pang iba na lalong nagpakulay sa selebrasyon.


Nabatid na taong 1961 nang itatag ang bayan ng Libungan sa bias ng kautusan ng dating Pangulong Carlos P. Garcia.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento