NEWS UPDATES

Mag-asawa, arestado sa droga!

(Kidapawan City/ August 22, 2014) ---Hinalughog ng mga otoridad ang bahay ng mag-asawang nagtutulak ng illegal na droga sa isinagawang raid sa kanilang bahay sa Corner Bautista at Datu Ingkal streets, Poblacion, Kidapawan City kahapon.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang mga suspek na sina Christian Roy Casayuran Velasco alyas Roy-roy, 31-anyos at Leona Gatchalian Velasco, 34 na taong gulang.

Naaresto ang mga suspek sa bisa ng search warrant na isinilbi ng mga kapulisan sa mag-asawa na inilabas ni Judge Arvin Sadiri Balagot ng Regional Trial Court branch 17 kaugnay ng paglabag sa Section 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerouse Drugs Act.

Nakuha mula sa loob ng bahay ng mga suspek ang isang sachet na may lamang pinaniniwalaang shabu, isang bundle ng mga walang lamang sachet na posibleng ginagamit sa pagrepack ng iligal na droga, toy gun at maging resibo ng illegal numbers game na last two. Sa ngayon hinihintay na lamang ang commitment order mula sa korte laban sa mag asawang suspek. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento