NEWS UPDATES

Clan War; 1 patay, marami nag-silikas

(Sultan Kudarat/ August 22, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka sa nangyaring krimen sa Barangay Maindang, bayan ng Lutayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat kahapon ng hapon.

Ayon kay Police Senior Inspector Melvin Balba, hepe ng Lutayan PNP away sa pagitan nina Carali Mama at Oscar Gaya ang nangyari sa lugar.

Pinuntahan umano ni Mama sa pamamahay nito si Gaya at doon naganap ang maikling engkwentro ng dalawa.

Patay si Gaya sa papamaril ng suspek na si Mama na agad na tumakas.

Naniniwala si Balba na matagal nang may alitan ang dalawa na nauwi sa nasabing barilan.

Maraming sibilyan naman ang nagsilikas dahil sa takot na maipit sa naturang girian.

Naglagay na rin ngayon ng dagdag ng pwersa ng kapulisan sa lugar para tiyakin ang seguridad at maiwasan ang gagawing retaliation ng magkabilang grupo. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento