NEWS UPDATES

Bloodletting Activity kaugnay sa pagbubukas ng kapiestahan ng Kabacan, isasagawa ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2014) ---Magsasagawa ng Bloodletting activity ang Rural Health Unit ng Kabacan sa pakikipagtulungan ng Health Emergency Management Program bilang bahagi ng 67th Founding Anniversary ng Kabacan na gagawin sa Kabacan Pilot Central Elementary School, Kabacan, Cotabato alas 8:00 ng umaga hanggang alas 2:00 mamayang hapon.

Sinabi sa DXVL News ni Health Emergency Management Coordinator Honey Joy Cabellon na inaanyayahan ang lahat na hindi pa naka-donate ng dugo na magtungo lamang sa nasabing lugar.

Iniimbita rin nila ang mga taga-barangay na magdonate ng dugo upang sa panahon ng emerhensiya at may mangangailangan ng dugo ay may mapagkukunan ang mga ito.

Dagdag pa ni Cabellon na sasailalim naman sa medical check-up ang lahat ng mga blood donor.

Ang nasabing aktibidad ay pangungunahan din ng Kidapawan Blood center at ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento