NEWS UPDATES

34-anyos na magsasaka, pinagbabaril sa loob ng USM Main Campus, gunman at kasama nitong riding tandem, tiklo

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng tatlo katao na sinasabing responsable sa nangyaring pamamaril sa isang 34-anyos na magsasaka sa bisinidad ng USM Hospital na nasa loob ng USM Main Campus, Kabacan, Cotabato pasado ala 1:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Haron Adil Kasan, may asawa at residente ng brgy. Pisan, Kabacan kungsaan sugatan ng pagbabarilin ng suspek.

Mabilis namang isinugod sa USM Hospital ang biktima para mabigyan ng medikal na atensiyon.

Samantala, agad namang ikinasa ng mga elemento ng Kabacan PNP ang pursuit at dragnet operation kaya mabilis namang nahuli ang tatlong mga suspek sa bahagi ng Brgy. Katidtuan lulan ng kulay pulang STX motorsiklo at may license plate na 9486 MD.

Kinilala ang mga naaresto na sina: Akmad Mahmod Mangelen, 30-anyos, residente ng brgy. Lower Paatan ng bayang ito kungsaan nakuha mula sa posisyon nito ang isang kalibre .45 na pistol at mga bala; Ben Sultan, 37-anyos, brgy. Lower Paatan, nakuhanan din ito ng kalibre .45 na armas at Mike Mangelen, 43-anyos residente ng brgy. Balabak, Pikit, Cotabato.

Nahuli ang mga suspek batay sa pagkakatugma ng pagsasalarawan ng mga nakasaksi sa insidente.

Sa ngayon naghihimas ng malamig na rehas bakal ang tatlo habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban dito at naka-impound naman ang motorsiklo na gamit ng mga suspek.

Ang biktima ay dinala naman ngayon sa Amas Provincial Hospital alas 7:00 kagabi dahil sa maselan nitong kalagayan.


Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon at inaalam pa ng mga otoridad ang personal grudge o paghihiganti sa motibo ng naturang insidente. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento