NEWS UPDATES

4 barangay sa Kabacan, apektado ang serbisyo ng tubig -KWD

(Kabacan, North cotabato/ August 26, 2014) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang pag-sasaayos ng Kabacan Water District sa kanilang submersible motor pump station.

Dahil dito, tatlong mga barangay ngayon ang apektado ng serbisyo ng tubig at ito ay ang brgy. Malanduage, Pisan, Bannawag at ilang bahagi ng Brgy. Aringay.

Ayon sa KWD, posibleng makakaranas ng mahinang pagdaloy ng tubig hanggang sa mawalan ng tubig ang mga residente sa nabanggit na lugar.


Agad namang maibabalik ang serbisyo ng tubig sa naturang mga lugar matapos ang ginagawang pagkukumpuni ng pamunuan ng Kabacan Water District. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento