NEWS UPDATES

2 mga budol-budol gang, arestado sa Kabacan, Cotabato!

(Kabacan, North Cotabato/ August 27, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng dalawang mga pinaniniwalaang budol-budol gang makaraaang maaresto ang mga ito sa bahagi ng National Highway , partikular sa harap ng the Generic Pharmacy, Poblacion, Kabacan, Cotabato kahapon ng tanghali.

Nahuli ang dalawang mga suspek sa tulong ng Traffic Management Unit, mga tanod at kapulisan ng maispatan ng security guard ng nasabing establisiemento na kaduda-duda ang ikinikilos ng mga ito.
Planu sanang biktimahin ng mga ito ang isang matanda.

Nang pasakayin na nila sa kanilang sasakyan doon na at dumating ang mga kapulisan, kungsaan dalawa sa apat na mga bodul-bodul gang ay nakatakas at ngayon ay patuloy pang pinaghahanap.

Panawagan naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa mga naging biktima na budol-budol gang na ito na mag tungo sa himpilan ng pulisya upang malaman ng pagkakilanlan ng mga ito.


Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang interogasyon ng kapulisan sa kanila upang malaman ng kanilang pagkakakilanlan dahil sa puro alias lamang ang kanilang sinasabi at di pa mabatid kung taga saan ang mga ito. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento