NEWS UPDATES

Paslit, patay sa humaharurot na sasakyan!

(Tacurong City/ July 22, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang taong gulang na paslit makaraang mahagip ng humaharurot na sasakyan ang sinasakyan niyang motorsiklo kasama ang kanyang mga magulang sa Tacurong city, Sultan Kudarat kahapon.

Kinilala ng Tacurong City PNP ang nasawi na si Abdulrakman Salaban, habang sugatan din ang mga magulang nitong sina Brando Salaban, 29-anyos at Baidido Salaban, 28-anyos pawang mga taga-Datu Paglas, Maguindanao.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad tinatahak ng mag-anak ang Barangay San Emmanuel, Tacurong city nang mahagip ng isang Nissan Safari na may plakang TFN 482 at minamaneho ni Arnold Fernandez, municipal administrator ng Buluan, Maguindanao.

Agad na isinugod ni Fernandez ang mga biktima sa pagamutan ngunit nasawi ang batang Salaban habang ginagamot. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento