NEWS UPDATES

DOLE ipinamahagi ang salary checks ng mga government interns sa Distrito Uno ng North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Pormal nang ipinamahagi ng Department of Labor and Employment o DOLE ang salary checks ng mga kabataang sumasailalim sa Government Internship Program o GIP sa Unang Distrito ng North Cotabato.

Pinangunahan ni DOLE XII Regional Director Ofelia Domingo ang distribusyon ng mga tseke na ginanap kahapon sa Kapayapaan Hall dito sa bayan. Sinaksihan ito ng mga lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno na nagsilbing partner- employers ng internship program.


Sa kanyang mensahe ay pinaalalahanan ni Regional Director Domingo ang mga government interns na samantalahin ang pagkakataong ito na matutunan ang kahalagahan ng serbisyo publiko.

Sa tatlong distrito ng lalawigan ay nagtala ang North Cotabato First District ng pinakamaraming bilang ng benepisyaryo ng GIP na abot sa isandaan.

Samantala, kasabay ng nasabing aktibidad ang pakikipagpulong ng mga government interns kay North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan.

Binigyang- diin ng kongresista na kapwa malaking responsibilidad ang gagampanan ng mga ahensya ng pamahalaan at mga kawani nito upang makapagbigay ng dekalidad na serbisyo sa mga mamamayan.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento