NEWS UPDATES

Magsasaka, patay makaraang tagain at barilin sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ July 7, 2014) ---Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 48-anyos na magsasaka makaraang barilin at pagtatagain sa nangyaring krimen sa Sitio Kidigan, Brgy. Popoyon, Tulunan, North Cotabato alas 10:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang biktima na si Reynaldo Parami, 48-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na pagsisisyasat, naghahanda ng kanyang sakahan ang biktima ng bigla lamang itong lapitan ng di pa nakilalang suspek at binaril.

Hindi pa makuntento ang suspek kanya pa umanong pinagtataga ang biktima gamit ang bolo dahilan ng pagkakasugat nito sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing pangyayari.


Sinisilip din nila ang anggulong may kinalaman sa lupa ang nasabing insidente. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento