NEWS UPDATES

Furniture Merchandiser, pinagbabaril patay sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ July 7, 2014) ---Pinabulagta ng di pa nakilalang suspek ang isang 50-anyos na Furniture merchandiser sa nangyaring krimen sa Purok Pag-asa, Brgy. Saguing, Makilala, North Cotabato alas 12:40 kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng Makilala PNP ang biktima na si Virdon Guerrero, residente ng   National highway, Quezon blvd, Kidapawan City.

Batay sa inisyal na ulat, sakay ang biktima kasama ang angkas nito sa kanilang kulay itim na Honda Wave na may license Plate 4552-OL ng buntutan ng riding tandem assassins n asakay din ng Kawasaki motorcycle 150.


Pinara ng dalawang suspek ang mga biktima at nagtanong ng kanilang mga pangalan at ng sumagot ang mga biktima agad na bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinagbabaril ng tatlong beses si Guerrero.

Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon ang biktima ay nakaburol sa Collado Funeral Parlor habang isasailalim sa post mortem examination para sa malalimang imbestigasyon.


Blangko pa ngayon ang mga otoridad kung anu ang motibo sa nangyaring insidente. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento