NEWS UPDATES

Kasong isinampa sa Civil Service Commission ng dating Pangulo ng USM sa ilang mga kawani nito, ibinasura ng ahensiya

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Tuluyan nang na-idismiss ng Civil Service Commission ang kasong isinampa ni dating USM Pres. Dr. Jess Derije laban sa ilang mga empleyado ng University of Southern Mindanao.

Batay sa 31-pahinang desisyon na inilabas ng komisyon na pirmado ni CSC Director IV Grace Belgado-Saqueton na ibinasura ang naturang kaso laban sa 63 katao na nasampahan nito dahil sa kawalan ng ebedensiya.

Ang naturang desisyon ay inilabas nitong Hulyo a-5 ng kasalukuyang taon.

Matatandaang sinampahan ni Dr. Derije ang 63 katao at karamihan ay mga manggagawa ng USM ng kasong: grave misconduct, disloyalty to the Republic of the Philippines, refusal to perform Official duties at iba pa makaraang magsagawa ng kilos protesta ang mga ito noong Enero ng nakaraang taon na naging mitsa sa pagkakatanggal sa pwesto ng dating Pangulo. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento