NEWS UPDATES

DOST Undergraduate Scholarships, binuksan na!

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Inanunsiyo ngayon ng Department of Science and Technology na tumatanggap na sila ngayon ng mga aplikante para sa Undergraduate Scholarships.

Ang naturang programa ay bukas lalo na sa mga graduating High School students na gustong maka-avail ng scholarship sa DOST na kukuha ng degree sa Science, Mathematics at Engineering.

Sa North Cotabato gagawin ang test center dito sa University of Southern Mindanao sa September 21, 2014 habang ang deadline ng submission ng mga requirements ay sa August 22, 2014.

Kabilang sa mga kakailanganing requirements ay ang mga sumusunod: 1x1 ID, Electric bill nitong mga nakalipas na buwan, Statement of Account para sa mga private Schools only, complete Application forms at Birth Certificate.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring bisitahin ang DOST-PSTC sa sa R&E Apt. Door 4, Alim St., Kidapawan City o i-contact ang 09465239162 o 064-288-5174. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento