NEWS UPDATES

Peace Forum, isinagawa sa IMEAS-USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 13, 2014) ---Isinagawa kahapon ng hapon ang Peace forum sa Institute of Middle East and Asian Studies o IMEAS ng University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato.

Ang Peace forum ay pinangunahan ng Muslim Youth Religious Organization, Inc. kungsaan naging tagapagsalita sa nasabing aktibidad si Atty. Lanang Ali, Jr. ang Bangsamoro Basic Law Status Legal Officer at kanyang inihayag ang kalagayan nag BBL sa ngayon.

Bukod dito, inihayag naman ni MILF Spokesman Von Alhaq ang Normalization Aspect of the Bangsamoro government.

Ang normalization annex ang itinuturing na pinakamasalimuot dahil nakapaloob dito ang disarmament ng MILF forces.

Ang aktibidad ay bahagi lamang ng adbokasiya ng IMEAS upang maipaintindi sa mga mag-aaral ng USM kung anu ang nilalaman ng Bangsamoro Basic Law.

Ang programa ay dinaluhan ng mga guro at mag-aaral ng IMEAS.


Suportado naman ni USM Pres. Dr. Francisco Garcia ang nasabing aktibidad, kungsaan dinaluhan din ito ni USM vice Pres. For Research and Generation Dr. Alimen Sencil, Dean IMEAS Prof. Badrodin Abdulkadir at marami pang iba. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento