NEWS UPDATES

17-anyos na College Student ng CFCST sa Arakan, patay matapos malunod sa ilog

(Arakan, North Cotabato/ June 13, 2014) ---Patay na ng maisugod sa bahay pagamutan ang isang 17-anyos na college student makaraang malunod sa ilog ng Tinanan river sa bayan ng Arakan, North Cotabato alas 11:45 ng umaga kahapon.

Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Mary Joy Gonzales, 2nd year student ng Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST at kumukuha ng kursong BS Agriculture.

Ang biktima ay residente ng Sitio Kinilid ng brgy. Bang-bang, Matalam, Cotabato.

Batay sa ulat, nagkayayaan umano ang magbarkada dahil sa holiday at walang pasok kahapon para maligo sa ilog.

Naglalaro ng tug of war ang mga ito at napadaku ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa matangay ito ng tubig.

Matapos ang ilang minuto, ay narekober naman ang biktima, pero wala na itong malay.

Mabilis na itinakbo ang dalaga sa bahay pagamutan pero binawian na rin ito ng buhay. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento