NEWS UPDATES

Pagkakaisa at pagsusulong ng kaunlaran sentro sa selebrasyon ng ika-33 anibersaryo ng Bayan ng Alamada, North Cotabato

Written by: Roderick Bautista

(Kabacan, North Cotabato/ June 20, 2014) ---May mga pangyayari mang hindi maganda sa nakalipas na mga buwan ay tuloy pa rin ang mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng bayan ng Alamada.

Nakasentro ang selebrasyon sa temang, “Padayon sa Pagbuylog Katawhan sa Mabinungahong Pagkab- ot sa Kalinong kag Mauswagong Banwang Alamada.”


Ilan sa mga pangunahing aktibidad kaugnay ng selebrasyon ay ang Clean and Green Evaluation na linahukan ng labing- pitong barangay ng bayan, agri- trade fair, iba’-t ibang sporting events, socio- cultural competitions, at anniversary culmination program. 

May 26 pa nang sinimulan ang month- long celebration nga anibersaryo ng Alamada at magtatapos sa culmination program bukas, June 21.

Nais namang iparating ng panauhingpandangal na si North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan ang pakikiisa nito sa pagdiriwang at pinuri ang pagiging matatag ng mga mamamayan sa kabila ng dagok na dulot ng outbreak nitong nakalipas na buwan.

Hinikayat din ng opisyal ang mga mamamayan na ipagpatuloy ang pagkakaisa upang makamait ang tuloy- tuloy na kaunlaran at kapayapaan sa bayan.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento