NEWS UPDATES

Misis at katulong nito, arestado sa isinagawang search operation hinggil sa illegal drugs sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ June 23, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng 30-anyos na misis kasama ang katulong nito ng makuhanan ng illegal drugs na shabu sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa bahagi bg Black 3, Gawad Kalinga, Muslim Village, Brgy. Sudapin, Kidapawan City alas 6:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ni P/Supt. Leo Ajero, Kidapawan City PNP Director ang suspek na si Normina Santos Sultan kasama ang kasmbahay na di kinilala sa report matapos na marekober sa kanya ang iba’t-ibang laki ng plastic heat sealed na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Hinuli ang Misis makaraang hindi na nadatnan ng mga pulis ang asawa nitong si Allan Sultan na binabaan ng search warrant hinggil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang search warrant number 45 ay inilabas sa sala ni Judge Arvin Savery Balagot kaya nahuli ang mga suspek.

Sa ngayon patuloy namang pinaghahanap si Allan habang nasa kustodiya nan g Kidapawan city PNP ang dalawa. Rhoderick BeƱez

  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento