NEWS UPDATES

One Billion Rising o OBR, ilulunsad sa CBDEM-USM ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2014) ---Pormal ng ilulunsad ang One Billion Rising o OBR ngayong araw sa College of Business Development Economics and Management  o CBDEM ng University of Southern Mindanao, KabaCAN, Cotabato.

Ayon kay College of Arts and Science GAD Focal Person Jacinta T. Pueyo na ang layonin nito ay  matulungan ang mga biktima na mailabas ang kanilang nararamdaman at maging ang masamang karanasan kagaya ng pagmamaltrato mula sa kamay ng kanilang mga asawa at mga nananakit sa mga ito sa pamamagitan ng sining.

Pangungunahan naman ni USM-GAD focal person Dr. Sindaolan Galla Al-hadja ang nasabing aktibidad.

Inaasahan ding dadalo sina USM president Francisco Gil Garcia, Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. at Gabriela regional Council Executive Director Davao City, Leah Emily Minoza na magiging panauhing tagapagsalita sa programa.

Sa ngayon umaabot na sa 207 mga bansa ang kasali sa One Billion Rising, kasali na ang Pilipinas.

Inaasahan din ang Ceremonial signing ng mga bisita, University Officials, Municipal Officials at mga studyante. Regine Lanuza DXVL News


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento