NEWS UPDATES

Mga magulang ng mga batang nahulihan ng shabu sa Kabacan, posibleng mahaharap sa kaso –CIDG North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2014) --- Kapag mapatunayang alam ng mga magulang ng tatlong mga bata kasama na ang isang anim na taong gulang na kindergarten pupil na ginagamit ang kanilang mga anak sa pagtutulak ng illegal na droga, posibleng mahaharap sa kaso ang mga ito.

Ito ayon kay Criminal Investigation and Detection Group OIC PSI Doreen Mauricio sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Pero sa kanilang ginagawang interogasyon sa mga magulang walang alam ang mga ito.
Aminado si Doreen na di rin ito aakuin ng mga magulang na sangkot ang kanilang anak sa sinasabing Juvenile delinquent.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Kidapawan City Social Welfare and Development Office ang dalawang mga menor de edad habang kinuha naman ng kanyang lola ang isang anim na taong gulang na bata.

Sinabi ni Mauricio na "aalamin ang discernment ng mga bata kung may alam ang mga ito sa ginagawa nilang mali, at kapag mapatunayan mahaharap sa kaso ang mga ito".

Matatandaan na ginamit ng isang 20-anyos na suspek na kinilalang si Alvin Alamada ang anim-na-taong gulang na bata sa pagtutulak ng ilegal na droga dito sa Kabacan.

Bukod sa bata, may dalawa pang menor de edad na ginamit si Alamada nang pagbentahan ng shabu ang undercover na pulis.


Tiklo si Alamada at tatlo pa niyang kasama sa sting operation ng Criminal Investigation and Detection Group. Nakatago sa school bag ng bata ang ibinebentang shabu ni Alamada. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento