NEWS UPDATES

Maguindanao, isinailalim na sa State of Calamity!

(Maguindanao/ June 23, 2014) ---Isinailalim naman sa state of calamity ang probinsiya ng Maguindanao matapos ang mga pagbabaha sa lugar.

Ito ayon kay Board Member Jojo Sinsuat.

Sa ngayon unti-unti namang humuhupa ang tubig baha sa 13 mga bayan na naapektuhan ng pagbaha sa Maguindanao.

Namigay na rin ng tulong ang Humanitarian Emergency Action and Response Team (HEART) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng mga pagbaha sa Maguindanao. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento