NEWS UPDATES

Magsasaka, sugatan makaraang barilin sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ June 23, 2014) ---Patuloy na nagpapagaling ngayon sa isang ospital sa Kidapawan city ang isang magsasaka makaraang mabiktima ng pamamaril sa Purok 13, Poblacion, Carmen, North Cotabato alas 7:15 nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na si Ricky Kusain Nautin, 36-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Sa ulo tinamaan ang biktima na mabilis namang isinugod sa bahay pagamutan.

Inaalam pa ngayon ng Carmen PNP kung anung uri ng baril ang ginamit ng mga suspek sa nasabing krimen.

Blangko pa ang mga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing insedente. Rhoderick BeƱez




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento