NEWS UPDATES

“Kasalan ng Bayan” isa sa mga gagawing highlight ng Kapagayan fiesta

(Kabacan, Cotabato/ June 9, 2014) ---Magandang balita sa mga matagal ng nagsasama diyan na hindi pa kasal at sa mga magkasintahan na gustong maglagay sa tahimik.

Ang Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa pamumuno ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., katuwang ang Local Civil Registrar ay magsasagawa ng “Kasalan ng Bayan”.

Ayon kay Civil Registrar Officer Gandy Mamaluba na ang nasabing programa ay handog ni Mayor Guzman upang mabigyan ng pagkakataon na mababasbasan ang mga mag-partner sa pamamagitan ng civil wedding na gagawin sa August 18.

Libre ang pag-file ng mga papeles at mabibigyan pang regalo ang mga ikakasal mula sa Pamahalaang Lokal ng Kabacan.

Para sa mga gustong magpatala narito ang dapat dalhin sa Office of the Municipal civil registrar: 1 Birth Certificate, Cedula, Certificate of No Marriage (national statistic Office), Parent Consent para sa 18- 24 yrs old at Affidavit of Cohabitation para sa mga live in partners.

Hanggang sa July 18 na lamang ang huling application. Rhoderick Beñez with report from Zhaira Sinolinding


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento