NEWS UPDATES

31-anyos na lalaki, huli sa pagtutulak ng illegal na droga sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 9, 2014) ---Kalaboso ang isang 31-anyos na tulak droga makaraang mahuli sa inilatag na buybust operation ng Kabacan PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Purok Pagkakaisa, Aringay,Kabacan, Cotabato alas 11:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Danilo Amoranto Aquino Jr., may asawa at residente ng nasabing lugar.

Narekober mula sa kanyang posisyon ang P200 piso bill bilang marked money kasama ang isang piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shanu.

Nakatak da namang sampanhan ngayong araw ng karampatang kaso ang suspek na ngayon ay nasa Kabacan PNP Lock up cell. Rhoderick BeƱez with report form Zhaira Sinolinding



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento