NEWS UPDATES

Suspek na naghagis ng granada sa Kabacan, tukoy na!

(Kabacan, North Cotabato/ May 3, 2014) ---Arestado ng mga otoridad ang suspek na responsable sa paghagis ng granada sa isang commercial establishment sa USM Avenue, Kabacan, Cotabato pasado alas 11:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Abdul Gulam Hamid, 23-anyos, binata, tricycle driver at residente ng Palimbang, Sultan Kudarat.


Natimbog ang suspek sa isinagawang dragnet operation ng PNP sa tulong ng BPAT sa panulukan ng Mapanao-Ma. Clara St., Poblacion ng bayang ito.

Narekober ng mga otoridad ang isa pang piraso ng granada ng matiklo ang suspek lulan sa minamaneho nitong kulay itim na Bajaj Motorcycle na may plate number 8232 QN.

Bagama’t walang nasugatan o nasaktan sa nasabing pagsabog, nag-iwan naman ito ng pinsala sa rolled up door ng costar establishment at mga kalapit na tindahan nito sa USM Avenue.

Sa ngayon, nakapiit ang suspek sa Kabacan Lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Rhoderick BeƱez with report from USM Devcom Intern Zhaira Sinolinding


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento