NEWS UPDATES

Jail Officer, patay sa pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ May 5, 2014) ---Patay ang isang Jail Officer na kasapi ng Bureau of Jail Management and Penology ng Kidapawan makaraang ratratin sa harap ng Anima’s Carwash, Quezon Boulevard, Brgy. Poblacion, Kidapawan city ala 1:20 ng madaling araw kahapon.

Sa panayam ng DXVL News kay Jail Inspector Diosdado Enso, Kidapawan City Warden kinilala ang biktima na si JO1 Reden Lester Cruz, nasa tamang edad, residente ng nasabing lugar at nakadestino sa Kidapawan BJMP.


Matapos mapaslang ang biktima gamit ang kalibre .45 na pistol agad namang tinangay ng di pa nakilalang suspek ang kulay puting Suzuki Scooter ng biktima na mabilis namang tumakas sa di malamang direksiyon.

Maging ang City Warden ay wala pang lead kung anu ang motibo sa pagpaslang kay Cruz.

Inatasan naman ni Supt. Leo Ajero, Kidapawan City PNP Director ang tauhan nito na magsagawa ng hot pursuit operation para sa posibleng ikaaresto ng suspek. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento